Saturday, June 11, 2011

Masquerade Love Affair

Chapter One (Part One)

"Good afternoon, Miss Montecillo," bati ng security guard sa lobby ng Building ng Dizon-Montecillo Group of Companies.

The guard gave Dhevy Montecillo a samile and a salute as she walked briskly across the marbled floor.

Binalik niya ang pagbati dito sa pamamagitan ng kaway."Hi, Mang Nestor!" nandiyan po ba ang kuya?

Inabot ni Mang Nestor ang ang intercom na nakasabit sa dingding sa may likod nito. "Nariyan daw po ma'am, sabi ng sekretarya niya.Ipaaalam ko po bang nandito kayo?" anitong nakatakip ang palad sa mouthpiece ng aparato.

Umiling siya, "Dont bother, I'll surprise him," aniyang nakangiti.
"Salamat Mang Nestor."

Tinawid niya ang lobby patungong elevator na kulay ginto. Ito ang maghahatid sa kanya patungong
executive floor ng building.Sa dingding na nakapagitan sa mga pinto ng elevator ay may nakasabit na medalyong nakaukit ang pangalan ng kumpanya na siguradong aagawin ang pansin ng sinomang saasakay niyon.

Tumunog ang hudyat na bubukas na ang lift, inihanda niya ang sarili at humakbang na papasok sa loob.Bumabaon ang takong ng kanyang sapatos sa bawat tapak niya sa kulay pulang alpombrang nakalatag sa sahig.Inilibot niya ang paningin sa loob ng elevator, nababalutan ng mahogany paneling ang dingding sa gawing ibaba, may mga brass rails sa gitna at salaming nakapalibot sa loob na sapat na upang masilayan ng sinomang lulan niyon ang sariling repleksiyon. Mabilis niyang hinagod ng tingin ang sarili, she brushed her fingers on her straight black hair.

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang magsimula siyang iakyat niyon pataas.

Her heart fluttered with pride.She loved coming to her brother's office.She loved seeing the tall building bearing their name --- MONTECILLO.

Ken Montecillo, her brother -- was one of the most successful business man in Makati. Mag-isa siya nitong tinaguyod nang maghiwalay ang kanilang mga magulang at kamatayan ng kanilang ama ang negosyo. Ang kumpanya ay manufacturer ng iba't-ibang klaseng infant necessities na dati'y puro infant clothes lamang. Lumago ito at nagkapangalan sa kabila ng mga naging problemang kinasuungan ni Ken noon. Bukod pa sa pagtayong ama at ina sa kanya sapul pa nang mamatay ang kanilang ama.

Dahil nga dadalawa lang sila ng kanyang kuya Ken na magkaramay, he spoiled her. Spoiled her rotten, sabi nga ng kanilang ina nang muli silang magkasama-sama. Bumalik ito sa kanila at nagsisi sa pagkakamaling nagawa niya noon at dahil ina pa rin nila ito anumang pagkakasalang nagwa nito sa kanila -- sila ay nagpatawad.

--

dito na muna ang Chapter ONe (Part one)

i know bitin ka !! haha pero sakit na ng eyes koo =(

next time ulit =)

No comments:

Post a Comment