Prologue
"WHAT?!" halos sabay-sabay na bulalas ng lahat ng Miyembro ng San Nicholas Youth Choir na nasa pagpupulong na iyon.
"Si Tita Dianne ikakasal?"
"Mismo!" tili ni Tita Kay na eksaheradang pinagsalikop ang mga labi.
"Kanino?!" muling halos magkakapanabay na tanong ng grupo.
"Lalaki o lalaki pa rin?" biro ni Tita Ranny.
"Ma at Pa!" tili ni Tita Dess.
Parang mga palakang nagkaingay sa loob ng simbahan.Ang lahat ay inip na inip sa pagdating ng dakilang bida ng grupo -- ang kanilang pangulo, si Tita Dianne!
"I'm here!" agaw-eksena ng hitad buhat sa kaliwang bahagi ng simbahan kung saan naroon ang pinto patungong choir loft.
"Alam kong ako ang dahilan ng pagkakaingay ninyong iyan!"
Inulan ng katangunan ang bagong dating.
"Teka!Teka! Isa-isa lang -- mahina ang kalaban," protesta ni Tita Dianne.
Pumuwesto ito sa harap ng organ kung saan kitang-kita ang lahat.
"First of all, sino sa inyo ang sang-ayon na magkaroon ng Masquerade Party?" inilibot nito ang paningin.
"Kapilan," interesadong tanong ng karamihan kung kailan.
"Ngening taon," kanina lang napag-isipan ni Tita Dianne ang magdaos ng party ngayong darating na Undas.
Muling nagka-ingay ang lahat.Mayamaya ay isa-isang nagtaasan ng mga kamay ang mga ito.
Majority ang sang-ayon.
"Mayap," ani Tita Dianne na nasisiyahan. "D-dahil ito na siguro ang huli nating pagsasalu-salo... b-baka kasi hindi na natin pwedeng isakatuparan ang pagsasalu-salo sa Pasko gaya ng nakagawian.." gumaralgal ang boses nito. "Tutong makyasawa na ku!" umugong ang bulungan."Pero hindi dito, sa Amerika."Iyon ay upang magkaroon lamang ng ama ang isang batang pilit kinukuha ng gobyerno para malipat sa kanila ang pangangalaga. Napamahal na sa isa kong kaibigan doon ang bata. Kinailangan niya ang tulong ko at gumanap bilang asawa niya upang maampon niya nang legal ang bata.
Nagtayo din siya ng parlor doon na halos mapabayaan na dahil sa kaso -- napagkasunduan naming ako na ang mamahala kasama pa ang dalawa nating miyembro, si "Tita Mye at si Tita Acheena..."
Umugong na naman ang bulungan.Malungkot at nababahalang mga bulungan..
"Alam nating lahat na hindi na ganoon ka-solid ang grupo lalo na at nakaroon na ng mga kanya-kanyang priorities ang lahat -- particularly sa mga old ang original members...
at mas lalo na siguro ngayong mawawala na ako."
Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy.
"I intend to arrange a party for the old and new members hindi para gawing despedida namin.Layunin kong maging masaya at memorable ang pagkakahiwa-hiwalay nating ito. Hindi man marahil ito ang huli nating pagsasama-sama.. n-ngunit matagal pa siguro bago tayo muling magkita-kita."
Namayani ang katahimikan...
"Ang tangi ko lang paki-usap..
magkahiwa-hiwalay man tayo, sana ay walang makakalimot sa grupo. At ipagpatuloy sana ng mga bagong miyembro ang nasimulan na namin.."
Nagpahiwatig ng pangsang-ayon ang mga bagong miyembro.
"Well," anitong muling inilibot ang paningin sa lahat, "ikatutuwa ko kung dadalo ang lahat.Welcome din ang mga colleagues. Ang pondong gagamitin sa party ay manggagaling sa mga tickets na ipaiimprenta natin at ipagbili sa mga kaibigan at kakilala ng bawat miyembro." umukit ang isang ngiti sa mga labi nito.
"I hope to see you all..." ipanaj\kadiin-diin nito ang salitang all.
Gaano man kasaya ang isang samahan.. palaging naroon ang posibilidad na darating ang panahon ng pagkakahiwa-hiwalay...
At sa gitna ng kalungkutanng iyon -- LOVE ALWAYS COMES WHEN YOU LEAST EXPECT IT!
No comments:
Post a Comment